Wednesday, February 2, 2011

AKTIBITI 2

WASTONG GAMIT NG SUMUSUNOD NA MGA SALITA:


Kina- Ihatid mo ang mga laruan na ito kina Booty at Butoy.

Pinto at Pintuan-Huwag kang humarang sa pintuan at nang maipinid na ang pinto.

Hagdan- Nagmamadaling inakyat ni Justin ang mga hagdan.
Hagdanan-Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

Iwan- Aalis na tayo, iwan na natin siya.
Iwanan-Iwanan mo ng pagkain ang kapatid mo.

Sundin- Sundin mo ang utos ko.
Sundan-Sundan mo s'ya, baka may kalaguyo s'ya.

Tungtong- Itungtong mo ang gunting sa aparador.
Tuntong-Tumuntong ka sa mesa para  maabot mo ang gunting sa ibabaw ng aparador.
Tunton- Tuntunin mo ang daan patungo sa liwanag.

Dahil sa- Hindi s'ya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo.

Kung di- Aalis na sana kami kung di ka dumating.
Kundi- Walang sinuman ang pwedeng dumalo kundi iyong mga inimbita lamang.











1 comment:

  1. Dapat nagmamadaling inakyat ni Justin ang baitang ng hagdan,ang hagdanan ay bahagi ng bahay hindi ito pwede matanggal at mailipat sa bintana. Ipagpatuloy ang nasimulan.

    ReplyDelete