Saturday, February 5, 2011

AKTIBITI 3 ( IDYOMA )

 Siya

       Galing siya sa pamilyang butas ang bulsa..Kinupkop siya ng aking ina na mababa ang loob, noong tatlong buwang sanggol pa lamang siya. Inaruga tulad ng isang tunay na anak, pinag-aral at itinuring na kapamilya.

       Ang aming ilaw ng tahanan ay makapal ang palad at disiplinado, pagdating sa amin dalawa ang bibig nya. Hindi ko alam pero lumaki siyang mabigat ang kamay, mahaba ang buntot, at naging malikot ang kamay dahil umaasta siyang mayaman sa harap ng iba. Mahangin talaga ang ulo nya. Makati rin ang paa  kaya madalas siyang napapagalitan; at sa tuwing nasesermonan ay nakapinid ang tainga. Matigas ang ulo at balat kalabaw kahit minsan nagiging matalas na rin ang dila ni Inay sa kanya.

      Kahit anong pangaral sa kanya, isa talaga siyang hampas lupa at walang plano sa buhay. Iwan ko ba talagang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Nagbubulakbol pa siya sa eskwela at tuwing nasa bahay ay takaw-tulog.

      Isang araw lumayas siya sa amin, nabalitaan naming nakipagtanan daw ito. May nagsabi ring buntis daw ito kaya lumayo. Nasaktan si Ina sa paglisan niya, alam kong minahal niya ato sa kabila ng lahat . Tinanggap nya pati ang  sanga-sangang dila, ang taingang kawali at ang kawalang galang nito sa kanya. Kawawa talaga siya, di nya naisip ang kanyang kinabukasan. Sana umuwi siya isang araw at magbago na.

1 comment:

  1. Magaling...malinis ang pagkagawa at hindi masakit sa mata basahin ang mga salita... Ipagpapatuloy ang nasimulan....

    ReplyDelete